And what am I supposed to do
If I can't get over you
I come to find that you don't feel the same
Cause I'm fallin'
Boy I'm fallin' for you
And I pray your fallin' too
I've been fallin' fallin'
Ever since the moment I laid eyes on you
-- Fallin' by *nsync
kahit alas 12:30 na ng umaga, oo umaga! ngayon ko pa napagtripang maging emo, tangina kasi eh, panibago heart break! hahaha, pero mas okay din to ah, at least di pa ko tuluyang nafall, hahay...
sana kasing dali lang ng paghahanap ng chocolates sa supermarket ang paghanap sa taong pwede mong mahalin, at pwede kang mahalin.
So anung meron? haha! minsan tuloy naawa na ko sa sarili ko, pero minsan naman feeling ko super blessed ako, basta magulo...
dapat nga masaya ako eh, kasi mataas mga grades ko, eh ikaw ba naman ang sabihan ng ... ayoko na i-share, hahaha! basta ganun, hindi na ko bago sa ganito,
pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay...
pwede ba yun? ang masanay kang maging sawi... awoo!
makatulog na nga lang.
para sa'yo,
tagay pa!
pag lasing ka, saka mo lang ako nakikita.
LOL!
no more happiness...
april flew last 5:34 AM.

September 26
Thursday, October 1, 2009
wala kasi akong maisip na title eh,
so eto ako,
sinusubukan kong balikan yung mga nagyari sakin nung sept. 26, oo, yung araw na dumating si ondoy. Yun din kasi ang araw na naganap yung dapat na one day recollection namen.
We were having our lunch around 1pm, before i started eating, i checked my phone. 3 missed calls, 7 messages. The three calls where from my tita, pag check ko ng messages my mom and my tita were both asking if we made it to Pansol or not. So stupid of me, when we arrived kasi i completely forgot to text them. Stupid! I was trying to text my mom to tell her i'm fine, when my tita called,Naka-silent mode kasi yung phone dahil bawal ang cellphone during sessions. sinagot ko agad. of course napagalitan muna ako and then she asked bakit pa daw tumuloy, sabi ko medyo mahina pa kasi yung ulan nung umaga, 8am kami umalis ng school. She then told me to know kung makakauwi ba kami, sinabi ko yung sinabi ng lector namen, tatapusin ng maaga yung session para makauwi agad kami, yung 7pm na uwi ay magiging 4pm na daw. At sinabihan din ako ng tita ko na magtext na kay mama, nag text naman ako agad, my sister even replied that my mom was washing clothes pa. I took a deep breath and tinuloy ang pagkain ng lunch.
During lunch, we also had the group sharing, so lucky kasi more than half of my groupmates ay classmates ko din, ^_^ sharing tungkol sa family and sa sarili. Nagkaroon din ako ng pagkakataon para makapag-confess.
Eye and heart opener yung recollection. Grade 6 pa ata ako nung huli akong nakaranas ng reco. Marami akong natutunan at nalaman, magandang experience din siya, sana every year meron nun. hehe
So, after ng masayang session, kahit super obvious na bumabagyo sa labas at nawalan pa ng kuryente.
Nagmass din kami after the session, sabi nila, after mass daw, uwian na. Wala pang 4pm ng mag-start yung mass. Before the mass ended, or while we were singing, nakaramdam na ko ng bad news.
At ayun na nga ang bad news, Bro. Norman, our lector told us that the school admin advised us to stay kasi mataas na daw ang tubig sa daan. Even the students from Molino campus na pinauwi na after lunch ay hindi na rin nakauwi dahil na stranded sila sa daan and came back. Bago pa man sabihin ni Prof. Motol na tawagan na namin ang mga parents namen nasa labas na ako at tinawagan ko si mama. When my mom answered the phone, she sounded nervous. As in ninerbyos na rin ako sa boses ng mom ko, bago pa ko magpanic at umiyak kinuha na ng sister ko yung phone, she laughed at sinabi saken na okay naman sila, sabay sabing "nilalamig lang kami sa hanggang tuhod na dito sa kwarto yung tubig." i was like 0_o wtf?! alam ko bumabaha sa lugar namen pero never umabot sa kwarto namen yun, to think, signal number one pa lang naman. Tapos dumating si Sir Motol and asked me to come inside the room again aksi may announcement pa daw. Sa taranta ko, pinatay ko agad yung phone and went inside.
Hindi ko na naalala yung iba pang sinabi ng lector, and pagtapos nun, tumawag agad si mama. Okay naman na daw sila, basta daw hindi na bumaha ng mataas.
After that, we were assigned sa rooms na tutulugan namen.
Masaya naman ang overnight sa odc kahit almost 2am na gising pa yung iba.
Yung mga classmates kong guys, hindi pa makatulog agad dahil ang unang makatulog sa room nila, magigising na may toothpaste sa mukha, hehe!.
Buti na lang sa room namen walang ganun, meron nga lang mga whoever na nagbed to bed para lang magtanong kung meron kang yosi. Pssh!
6:30 am na ng magising ako, pero obvious na kulang pa sa tulog. 7am ang supposed to be breakfast namen, pag gising ko, toothbrush at ayos na ng gamit. Voila, haha! inaamin ko naman na wala kaming ligo nun, walang choice eh, XD
Pag labas namen ng dorm! wooh! isang mainit na araw ang sumalubong samen, at finally, nakita rin namin ang magandang view! Sayang nga lang, pauwi na kami nun.
Syempre hindi namin pinalagpas ang moment para makapagpapicture, kahit umaambon na ulit.
We had breakfast, and after nun, nasa bus na kame pauwi. Nakita pa namin yung maputik na daan at kulay chocolate na baha.
Yung byahe pauwi, tahimik, haha! nadrain na ata lahat ng energy namen,
pero masaya pa rin. ^_^
Pag uwi ko, saka ko lang narealize kung ganu kagrabe yung situation ng family ko, parang naguilty tuloy ako...
But atleast they are okay, compared to what we see on tv...
Super thankful ako.
Lastly, my prayers to everyone who are in need of help and to those who are giving out a part of hemsleves to help.
april flew last 5:10 AM.
