marami akong gustong ikwento pero pag nagtatype na ako, parang lumilipad lahat ng ideas ko, hahahaha. i don't really know what to type so ganito na lang gagawin ko:
1. disappointed ako kasi naevict si rona, (plastic at oa na pala ang tawag sa PAGPAPAKATOTOO, kapag ang isang tao ba ay may mahabang pasensya na hindi katulad mo eh plastic na sya? kapag ang tao ba ay "too good to be true" ah hindi na totoo? malamang first time nya nakakilala ng gaung tao kaya sya ganun, tamaan! hehe)hindi na nga ako nanood nun eh, lovers na lang,haha! =p
2. 3 araw ng nagpaparactice ng sayaw para sa kutilyon ni bestfriend jomel, sya na kasi ang huling mage-18 sa barkada kaya all out ang support ko sa kanya, (ewan ko lang yung iba! tsuk!)
3. nakapanood ako ng xxx(documentary sa abs-cbn) at imbestigador sa gma7, maganda topic nila, nung pinapanood ko yung mga bata parang may malaking lump sa lalamunan ko, panay ang lunok ko at pagtulo ng luha, sinong tao ba ang hindi maiiyak sa mga pinagdaanan nila? yung 6 years old na girl ginagamit sa cybersex business ng isang matandang babae na walang pinagkatandaan (feel nyo ang galit ko?!) at yung isang 4 years old na batang lalaki ng puro sugat sa katawan at nakagapos sa bubong nila, pero yung 2 kapatid nya na babae nakakapaglaro, sya naiwan sa bahay na nakatali at may nakapatong pang bigas sa likod, take note parang kalahating kaban pa yung bigas! Nung nirescue na yung bata, ramdam mo yung takot nya, pero mukhang hindi sya masaya na nailigtas sya, mas ginusto pa rin ng bata na sumama sa nanay at tatay nya. Baket? sabi nung taga-DSWD iniisip ng bata na natural lang na itrato sya ng ganun ng mga magulang nya, in short, nasanay na sya dahil nga naman yun ang pamilya nya! Good Lord! Minsan mapapaisip ka na lang, bakit may mga tao na magaanak tapos hindi naman nila kayang gampanan ang mga resposibilidad at obligasyon bilang isang magulang. *sigh*
ayan lang ang mga naisip kong ishare ngayon, until next time!
april flew last 11:27 PM.
Intro
hello! everything that you see in this blog are properties of moi, except for those that are stated. Common entries are rant but they are just pieces of me,
and if you are smart enough to put those pieces together, you could be my friend, if not, you can still read, haha! kisses!=P
the unknown
ako si april, 18(12) years old,
isang ate, parte ng frontlinerz,
mahilig sa baked mac w/lotsa cheese,
tambay ng bahay as of now(hehe),
supergirl wannabe, pakialamera,
tahimik sa una,makulit sa huli(haha),
matalinong tanga(sabi ni bes),
strong person(sabi no Co),
want to know more? ask me, or better yet read my entries,=)