And what am I supposed to do
If I can't get over you
I come to find that you don't feel the same
Cause I'm fallin'
Boy I'm fallin' for you
And I pray your fallin' too
I've been fallin' fallin'
Ever since the moment I laid eyes on you
-- Fallin' by *nsync
kahit alas 12:30 na ng umaga, oo umaga! ngayon ko pa napagtripang maging emo, tangina kasi eh, panibago heart break! hahaha, pero mas okay din to ah, at least di pa ko tuluyang nafall, hahay...
sana kasing dali lang ng paghahanap ng chocolates sa supermarket ang paghanap sa taong pwede mong mahalin, at pwede kang mahalin.
So anung meron? haha! minsan tuloy naawa na ko sa sarili ko, pero minsan naman feeling ko super blessed ako, basta magulo...
dapat nga masaya ako eh, kasi mataas mga grades ko, eh ikaw ba naman ang sabihan ng ... ayoko na i-share, hahaha! basta ganun, hindi na ko bago sa ganito,
pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay...
pwede ba yun? ang masanay kang maging sawi... awoo!
makatulog na nga lang.
para sa'yo,
tagay pa!
pag lasing ka, saka mo lang ako nakikita.
LOL!
no more happiness...
april flew last 5:34 AM.

September 26
Thursday, October 1, 2009
wala kasi akong maisip na title eh,
so eto ako,
sinusubukan kong balikan yung mga nagyari sakin nung sept. 26, oo, yung araw na dumating si ondoy. Yun din kasi ang araw na naganap yung dapat na one day recollection namen.
We were having our lunch around 1pm, before i started eating, i checked my phone. 3 missed calls, 7 messages. The three calls where from my tita, pag check ko ng messages my mom and my tita were both asking if we made it to Pansol or not. So stupid of me, when we arrived kasi i completely forgot to text them. Stupid! I was trying to text my mom to tell her i'm fine, when my tita called,Naka-silent mode kasi yung phone dahil bawal ang cellphone during sessions. sinagot ko agad. of course napagalitan muna ako and then she asked bakit pa daw tumuloy, sabi ko medyo mahina pa kasi yung ulan nung umaga, 8am kami umalis ng school. She then told me to know kung makakauwi ba kami, sinabi ko yung sinabi ng lector namen, tatapusin ng maaga yung session para makauwi agad kami, yung 7pm na uwi ay magiging 4pm na daw. At sinabihan din ako ng tita ko na magtext na kay mama, nag text naman ako agad, my sister even replied that my mom was washing clothes pa. I took a deep breath and tinuloy ang pagkain ng lunch.
During lunch, we also had the group sharing, so lucky kasi more than half of my groupmates ay classmates ko din, ^_^ sharing tungkol sa family and sa sarili. Nagkaroon din ako ng pagkakataon para makapag-confess.
Eye and heart opener yung recollection. Grade 6 pa ata ako nung huli akong nakaranas ng reco. Marami akong natutunan at nalaman, magandang experience din siya, sana every year meron nun. hehe
So, after ng masayang session, kahit super obvious na bumabagyo sa labas at nawalan pa ng kuryente.
Nagmass din kami after the session, sabi nila, after mass daw, uwian na. Wala pang 4pm ng mag-start yung mass. Before the mass ended, or while we were singing, nakaramdam na ko ng bad news.
At ayun na nga ang bad news, Bro. Norman, our lector told us that the school admin advised us to stay kasi mataas na daw ang tubig sa daan. Even the students from Molino campus na pinauwi na after lunch ay hindi na rin nakauwi dahil na stranded sila sa daan and came back. Bago pa man sabihin ni Prof. Motol na tawagan na namin ang mga parents namen nasa labas na ako at tinawagan ko si mama. When my mom answered the phone, she sounded nervous. As in ninerbyos na rin ako sa boses ng mom ko, bago pa ko magpanic at umiyak kinuha na ng sister ko yung phone, she laughed at sinabi saken na okay naman sila, sabay sabing "nilalamig lang kami sa hanggang tuhod na dito sa kwarto yung tubig." i was like 0_o wtf?! alam ko bumabaha sa lugar namen pero never umabot sa kwarto namen yun, to think, signal number one pa lang naman. Tapos dumating si Sir Motol and asked me to come inside the room again aksi may announcement pa daw. Sa taranta ko, pinatay ko agad yung phone and went inside.
Hindi ko na naalala yung iba pang sinabi ng lector, and pagtapos nun, tumawag agad si mama. Okay naman na daw sila, basta daw hindi na bumaha ng mataas.
After that, we were assigned sa rooms na tutulugan namen.
Masaya naman ang overnight sa odc kahit almost 2am na gising pa yung iba.
Yung mga classmates kong guys, hindi pa makatulog agad dahil ang unang makatulog sa room nila, magigising na may toothpaste sa mukha, hehe!.
Buti na lang sa room namen walang ganun, meron nga lang mga whoever na nagbed to bed para lang magtanong kung meron kang yosi. Pssh!
6:30 am na ng magising ako, pero obvious na kulang pa sa tulog. 7am ang supposed to be breakfast namen, pag gising ko, toothbrush at ayos na ng gamit. Voila, haha! inaamin ko naman na wala kaming ligo nun, walang choice eh, XD
Pag labas namen ng dorm! wooh! isang mainit na araw ang sumalubong samen, at finally, nakita rin namin ang magandang view! Sayang nga lang, pauwi na kami nun.
Syempre hindi namin pinalagpas ang moment para makapagpapicture, kahit umaambon na ulit.
We had breakfast, and after nun, nasa bus na kame pauwi. Nakita pa namin yung maputik na daan at kulay chocolate na baha.
Yung byahe pauwi, tahimik, haha! nadrain na ata lahat ng energy namen,
pero masaya pa rin. ^_^
Pag uwi ko, saka ko lang narealize kung ganu kagrabe yung situation ng family ko, parang naguilty tuloy ako...
But atleast they are okay, compared to what we see on tv...
Super thankful ako.
Lastly, my prayers to everyone who are in need of help and to those who are giving out a part of hemsleves to help.
april flew last 5:10 AM.

nakakainis isipin na minsan, kapag ang isang tao, na hindi mo pa naman ganun kakilala, ay walang kare-reaction sa mga pinaggagagawa mo ay affected ka pa rin.
Ang meron lang naman kayo ay isang gabi, mga 45 minutes lang na nakasandal ka sa kanya habang hindi na kinaya ng katawan mo yung alcohol na na-consume mo. Syempre, alam nyang may amats ka kaya naipahiram nya saglit ang balikat nya. Pero bago pa yun, tumawa ka habang sumusuka na sya at ikaw, tinawanan ka nya nung humingi ka ng kape na isinuka mo rin naman. Tapos nagmoment ka, hindi nya naintindihan, at hindi mo rin naman naintindihan ang mga sinabi mo, ang alam mo lang, katabi mo sya. Nginitian ka, at tinanong kung kaya mo pa, tumango ka na lang kasi iniisip mo na baka iba na ang amoy ng hininga mo.
Pagkatapos nun, nagsimula na ang communication nyo. Masaya ka kasi sya pa unang nag-reach out. Pero nalaman mo, isang group message lang pala yon, pero dedma ka lang, basta alam mo, kinakausap ka na nya. Pero alam mo, at alam nya na hindi pareho ang feelings. LOL-yan,ganyan lagi ang reaction kapag pinapaalam na sa'yo yung truth. truth hurts, but it set you free.
Mahirap lang isipin, haha! At kapag tinatanong ka, "Crush mo lang ba talaga?" ang lagi mong sagot, "Oo naman," at kapag hindi naniwala, palagi mong ine-explain na, "Pano ko naman mamahalin ang isang tao na hindi ko pa masyadong kilala, hindi ko pa nga nakakausap ng matino yun eh,"
Sinong niloko mo? lolo mo?
pagkatapos nito, matutulog ka na lang, hindi naman nya mababasa ito eh, so wala ng problema.
Ang problema mo na lang, bukas pag gising mo, walang pagbabago, ganun pa rin,
titingin ka, tapos aasa, tapos maiinis, tapos... balik ulit sa umpisa.
april flew last 3:52 AM.


so maybe ito na nga yun,
syempre lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon eh hindi na bago, pero hindi rin tulad ng dati. Parang alam ko lang yung mga daan na papunta pero ibang daanan na ung na-take ko, gets?
haha! so ayun, let's start with new environment, hindi ko alam kung nakapag-blog na ba ako ng tungkol sa school ko, (titingin sa mga previous posts...)
ayun, at nabasa ko ulet yung pagiging bitter ko sa programming, pero maayos na buhay ko dun, madami na akong natutunan, at alam ko na kung pano gawin yung mahiwagang space. Bwahaha!
nakwento ko na pala yung ibang mga prof ko,
ngayon naman ikekwento ko yung school grounds, haha! medyo malawak pala ang perps, mas malaki sya sa inaasahan ko, pero di kasing lawak nung dati kong school na may 3 football field,(echos lang!) pero napansin ko rin na sa lahat ng building dun, yung building ng college ko ang pinaka-matanda at pinaka-napagiwanan ng panahon, in terms of the building ha. At contrasting sya, kasi puro hi-tech naman ang laman ng building namen, aside dun sa mga tangible aircon.
isa lang ang tambayan namin ng mga kasama ko laging gurls dun. ang mahiwagang jolly perps kung saan palaging iced tea or french fries lang ang kinakain namen. Malamig at maluwag kasi dun, at hindi hassle. Masaya din kasi maraming puno, (at higad) minsan nga ay mapagtripan kong tumambay dun sa mga puno na yun...hehe
ngayon naman usapang classmates tayo, yung mga classmates ko ngayon, parang IV-prudence lang din nung highschool, halo-halo! hindi ko na iguro kelangan isa-isahin pa sila diba? syempre yung mga kasam ko laging gurls may tawagan na kame, meron na kong, philos, kabet, neng, at cookies, haha! korny ng mga tawagan noh, pero masaya kami jan,
tapos kung dun sa nauna kong post eh wala akong kinakatuwaan na klasmate, ngayon, meron na! si cinnamon, brownies at cupcake, fyi lahat yan ay given nickname ko sa kanila para hindi masyadong obvious, pero si cinnamon medyo aware na lahat ng tao na sya nga si cinnamon, lol!
natutuwa rin akong malaman na after ilang years eh natuto na naman akong,magselos, magalit, mainis, matuwa, matawa ng bongga, magtext hanggang 1:30 am, yung mga ginagawa ng normal na estudyante lalo na pag hapon ang klase mo, hehe,
at hindi ko pa pala nabanggit na minsan na akong sumayaw sa isang event sa school, oo sayaw! to the tune of mainit, inaabangan ko pa kung kelan ipo-post ng mabait kong pinsan yung video, at ipo-post ko dito ASAP. Malakas ang loob kong ipost yun dahil nasa likod naman ako at bahagya mo lang masisilayan ang paghataw ko, nyahaha! pero nawindang ako sa nabalitaan ko na inilista daw kame ng prof ko para maging part ng cheering squad ng college namin, hindi ko alam kung totoo yun, pero malalaman ko bukas, linggo!
nasabo ko na ba na seven days a week ako pumapasok? parang nasabi ko na ata, pero inulit ko para emphasis na wala akong pahinga at wala akong panahon gumimik, gala mode pwede pa, pero medyo hassle pa rin dahil hapon ang uwian ko, kung mag-gala man ako, imposibleng hindi ako gagabihin, diba? buti na lang hindi ako sabik sa gala, wehehe!
at dito nagtatapos ang entry ko ngayong araw, medyo busy ako sa school pero susubukan kong mapost at least once evry week, hahays...
follow me on twitter pala, lol!
april flew last 11:26 PM.

hahaha, teka, natatawa kasi ako ngayon eh, nagtatry kasi akong magsearch sa internet about Jane Austen novels, hindi ko alam pero baka one of these days, dahil sobrang bored ako sa buhay ko, e baka makita nyo nga ako na nagbabasa ng mga novel nya, haha! pero hindi kasi yun ang dahilang kung bakit natatawa or natutuwa ako eh! Syempre aside from paghahanap kay Jane Austen e may mga ibang bagay pa akong pinagkakaabalahan. Tapos natapilok ako, in english, i stumble(hahaha) ok tagalog tayo! eh kasi ayun, e di natapilok na nga ako, tapos may mga nakita ako, uyYy... haha, tapos syempre tinignan ko kasi curious ako, and then it hit me! (tinamaan?!) ahm...basta pagkatapos kong tignan, natawa ako, tapos napa-smile, tapos mapaisip... iba na pala yung dati sa ngayon..(duh!) eh kasi naman dati hindi ko pansin, dati bitter pa ako, dati yun! e ngayon, parang natutuwa pa ako, masaya kasi eh, hahahaha! tapos weird friends pa! weird talaga! basta masaya!hindi na nga ako magbibigay ng further info, baka lalo lang kayong maweirduhan saken, basta eto alam ko: wala na! hihihi, eto clue para masaya, lahat ng word na "siya" tinanggal ko, hahaha, bahala na ikaw magisip ah, kung textmate tayo, text mo ko baka maikwento ko pa sa'yo. yun ay kung close tayo, hahaha! =DLabels: april, weird
april flew last 9:35 PM.

Wala kasi akong magawa kaya heto ang topic na alam ko pagkakainteresan. Whatevers ko lang to kaya walang kokontra.
aaminin ko, isa ako sa mga taong nag-aabang sa pagpapalabas ng Twilight movie,hehe. Una kong nakita yung movie poster nya at nakilala ko agad si cedric diggory, tapos may tagline pa na "the next bestseller after Harry Potter", syempre kuryosa(curious) ang lola mo, kaya nagsearch ako sa net. Syempre marami akong nalaman at nagulat ako na marami na din pala ang nakabasa nito sa forum na sinalihan ko. Nung una akala ko pang-mayaman book na naman ito, yung tipong can't afford ng isang miyembro ng middle class o lower. Tapos ganun pala yung presyo, mas mahal lang ng bahagya sa mga nobela ni Nicholas Sparks. Hindi ko rin alam kung anung meron sa kwento nya, vampire love story? Sa totoo lang hindi ako mahilig sa mga ganitong klase ng novel kaya wala sa plano ko ang bumili nito. Pero nakakatuwa lang dahil minsan naghanap ako ng ebook ng twilight. Susubukan kong basahin at pag nahook ako saka ko na bibilhin yung libro, natutuwa rin ako dahil nagkalat na sa mga text messages ang mga linya sa libro..."so the lion fell inlove with the lamb..." and so on...Syempre kung araw araw mo maeexperience ang ganitong mga bagay lalo kang masasabik kung anu ba talaga ang meron sa Twilight. Isa pa, isa ako sa mga humahanga kay Robert Pattinson, Harry Potter days pa lang(kaya inggit ako kay cho chang nung mga panahon na yun at ngayon hindi na hehe). Ngayon alam na rin na gagawin nila ang sequel ng Twilight na hindi ko alam ang sequence(Breaking dawn, Midnight sun, Eclipse at....hindi ko na alam). At para sa mga tumitili para kay edward cullen o kay rob pattinson, mga nagcurse kay Kristen Stewart at nainggit kay Bella Swan...sa wednesday na ang araw nyo,hehe!
april flew last 5:29 PM.


i just want to share what happened last wednesday. My Lolo and I went to sm bacoor, we meet up with my cousins whom i haven't seen in a really looong time,hehe. Mimi, the youngest one got sick last week and she has to stay in the hospital for almost one week. May dengue pala siya, buti na lang naagapan. This mall trip was just what my lolo had promised them, and of course, super namiss din sila ng lolo ko. For the record, they are my youngest cousins na sa bulacan nakatira.So there we are at the mall. First stop, Jolibee, dun na kami nagtanghalian and to my surprise,(as in shocked ako ng makita ko siya) yung crew na nagassist was my classmate when i was in grade 6. and take note, he is my uber crush back then.ihh! hahaha! super smile ako buti na lang hindi napansin ni lolo,hehe, hanggang "hi" lang ang nasabi ko sakanya since hindi siya pwede magtagal dun sa table namen. aww... but he changed a lot and super tangkad.napagiwanan ako!2nd stop. tom's world, syempre super play kame dun, isa lang naman ang pinagtuunan namen ng pansin dun, yung pwede ka manalo ng sangkaterbang tickets para ipalit ng ibang items, hehe, at pagkatapos nun, shopping galore naman sila, ako lang naman ang tagatingin kung panget o maganda yung mga napili nilang damit. At dahil na rin sa pamimilit nila, napilitan akong bumili ng isang shirt sa kids section, hahaha! we had so much fun, sana lang hindi kami napagod agad, after nun sa greenwhich na kami nagmerienda at naghiwalay na kami sa jeep.hay...how i wish we had one whole day... i'll share the pictures pag naupload ko na, tinatamad pa ako sa ngayon eh... =)
april flew last 11:04 PM.
